Friday, September 5, 2008

Kuripot na raw ako?

I'm stingy and I'm proud of the reputation.
- Ingvar Kamprad

Hindi ko kilala si Ingvar Kamprad pero natawa ako sa quote na yan. Marami akong kilalang proud dahil kuripot sila. Yung mga tipong kailangan mo pang holdapin para lang makatikim ka ng libre nila?

Hindi ko ma-consider ang sarili ko na stingy or kuripot. Mahilig lang akong mag-ipon. Nung nag-aaral pa ako (potek.. feeling ko, ang tanda ko na... hehehe...), hindi ako gumagastos na wala lang. Laging may tinatabing pera. Pero kung gagastos, ok lang na maglabas ako ng pera.

Pero nabigla ako sa comment ng nanay ko nung unang sweldo ko. Ang kuripot ko raw! hahaha! E kasi naman, P1K lang yung nasahod ko nun kasi naabutan ako ng cut-off. E syempre, treat ko pa rin sya.

Nagpunta kami sa Jollibee (nagtitipid ako, ok? kasi allowance ko rin yung sweldo ko.. XD). Sabi ko, ang budget ko para sa pagkain naming dalawa-- take note, ah, kaming dalawa na, e P200. hahaha!

Ewan ko ba pero parang na-feel ko rin na naging kuripot na ako. Pero ang point ko, pinaghirapan ko na kasi yung money ko ngayon. Sweldo ko yun, eh... hehehe... basta.

Pero dun naman sa case ni mama, nagkataon lang na ang konti lang ng sahod ko. Pero itri-treat ko naman sila sa next sweldo ko sa Burgoo. ^^x

Basta! Hindi ako kuripot. I know it. Wise spender lang ako! hahaha!

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Komento sa komento

eijikiieru @ wala akong fingerprints - apir tayo! hehehe.. e pano yun? na-access mo pa rin yung files mo?

@ 312...

yeye -
tama yun! pati sa multiply at YM, nandun ka.. hehehe..

virg - hehehe.. sasabihin ko pa naman na move on.. ^^x

3 comments:

Anonymous said...

dalawa? sino ung isa??? aha. kaw ah. may hindi ka sinasabi LOL

haha. ako rin hindi naman ako kuripot. nagtitipid lang. hirap kasi may anorexia de bulsa hehehehe

naku tumatanda ka na kasasabi mo lang n wala ka nang sembreak. hehehehe

ek manalaysay said...

shet burgoo! never tried that before... sabi nila kapag unang KUMPLETONG sweldo daw... buong-buong ibibigay sa nanay!!! hehheh... good luck!

Anonymous said...

Kuripot ako, pero sa ilang mga bagay lang. Magastos din kasi ako e. Kung anu-anu ginagawa sa pera kadalasan. Amp, dami ko ngang utang sa ngayon. Huhu.