Thursday, August 14, 2008

Wala akong fingerprint

First story about my work.

Siguro, low-tech lang talaga ako o taong-bundok pero super humanga ako sa ginagamit na "time keeping" ng company na pinapasukan ko. Magla-login/logout ka using your fingerprint! Ang lufet! *palakpakan, mga kapwa ko taong-bundok!*

Kaya lang, hindi kami bati ng hi-tech na bundle clock (hindi sya bundle clock, for the record pero hindi ko lang kasi maisipan ng tawag! hahaha! Edited: It's a biomatrix. Thanks, Arjay! :D). Kasi naman, lagi na lang, "please press your finger again" ang sinasabi sa akin! huhuhu... Ano ba yun? Wala ba akong fingerprint? Nakakaawa naman ako. ^^x

Nakakahiya tuloy... hehehe...

Kaya kung halimbawa, dumating ako sa office ng 8:29 (8:30 am ang start), dahil sa pagta-time-in ko, hindi na ako umabot sa "deadline"... baka 8:45 am pa ako matapos! hehehe...

Anyways, my first week at work was good. I have a very cool boss and officemates. Medyo hindi pa ako sanay sa mga gawain pero kinakaya ko naman... hehehe... =)

Yun lang muna... ^^x

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Komento sa komento

eijikiieru -
hahaha! tagos to the bones ba? XD may work ka na?

ninong - maraming salamat sa double comment... =) talaga? akala ko, patay ang lablayp mo... hehehe... ^^x Ako e isang manunulat/mananaliksik... XD

marya - yehey! Congrats din po!

yeye - salamat! hehehe.. mabuti na lang talaga nga. korek ka sa sinabi mo! apir!

5 comments:

Cath said...

ahehe.cool! sana may ganyan din kami. Log in log,out manual lang kasi kami. Sulat kamay lang..Poor^^

ninong said...

ah... ang alam ko naman biometrics yun... may ganun din kami dito sa pinagpapanggapan ko. hehe. nung una ayos kaya lang pagkatapos ng mga isang linggo nabura ata yung fingerprint ko sa kanang daliri. di na ako makapaglogin. sabi ko nga maling kamay kasi yung nadadala ko.

matapos magtiis ng isang linggo sa "Please place your finger... Please try again." yung kaliwang daliri na pinaregister ko. ayun buti naman di pa naman nabubura fingerprint. hehe.

san ka nananaliksik?

Virginia said...

wish we're experiencing the same troubles! i don't have fingerprint-reading clocks to mess with cos i'm jobless =(

Anonymous said...

asteg yan ah hahaha kaso baka dahil sa hirap na idetect ung fingerprint mo eh baka maglogin ka na late!

Ehjayculate said...

lmao actually ako rin manghang mangha ako sa clock in/out machine namin sa work ehh ... ahah fingerprint din gamit! ... may problema din ako with that because my laptop requires my fingerprint (hintuturo) to access private files ... ang problema couple of months ago i injured myself and scarred my finger badly ... hoping ako na may back-up password ako ... but i dont remember creating one! ... haha