Thursday, August 7, 2008

Bakit may mga taong batugan?

Almost two months din akong naka-tengga (read: tambay) sa bahay after my graduation. I enjoyed the first month of my "vacation." Actually, plan ko before graduation na magpapahinga muna ako for at least one month. Habang nagpapahinga, magpa-pass ako ng resumé sa companies na gusto kong pasukan.

Tulad nga ng sabi ko, nag-enjoy ako nung unang buwan ko bilang isang pala at bato (palamunin at batugan.. =P). Panood-nood lang ng TV (may Jumong pa sa hapon, super nood ako nun... hehehe...), nagbabasa ng manga (natapos ko ang Naruto in two days mula chapter one hanggang kung ano mang chapter yung last chapter nung panahong yun at binasa ko ulit ang manga ng BLEACH), pa-inter-internet lang, gumigising nang hapon, natutulog nang madaling araw. Basta, super batugan talaga.

Pero nung lumampas na ang one month, na-realize ko na nakakasawa pala yung ganun. Yung walang ginawa at pinagkakaabalahan? Tapos nalaman kong may trabaho na yung iba kong friends and classmates, mapa-high school or college friends pa yan. Na-pressure ako. As in. Then we often visit our school nung time na yun, halatang-halatang unemployed! ^^x

Kaya naman nag-seryoso na akong maghanap ng work. Nagpass kami ng aking friends sa dream companies namin... hehehe.. pero ayun, walang tumawag. Nag-text nga pala ang Vibal for an exam pero sa hindi maipaliwanag ng siyensya na kadahilanan, hindi ako pumunta. May ibang feeling kasi ako nung araw na pinag-eexam nila ako at pag ganun ang nararamdaman ko, I opt not to leave the house... parang bad omen? Ganun...

Call centers are my last and very least option. Like Virgie's post, I have nothing against call centers but I prefer to work using the knowledge I learned during my four years of stay in PUP and three months during my internship. Before call centers, try ko na lang muna yung online English tutorial for Koreans (actually, kung ganun ang naging work ko, try ko munang maghanap ng online English tutorial for Japanese! Adik? hahaha!) Nag-set na ako ng date na pag August, wala pa rin, I'll try the online tutorial.

Pero ayun nga, nag-start na ako sa first job ko last Friday. Thank you, Lord!

But within those days na unemployed ako, ang dami kong na-realize at naitanong.

"Bakit kaya may mga taong batugan?"

I admit na masaya naman ang maging batugan pero sa unang buwan lang yun. Nakakasawa yung hindi ka maagang gumising (though may trabaho/pasok sa school o wala, tanghali na pala talaga akong magising! hehehe...), wala kang ginagawa, wala kang pakinabang. Kahit na ikaw yung naglalaba or naglilinis ng bahay, iba yung may work.

Unti-unti kang mahihiya sa magulang mo na hindi ka nakakatulong financially.

Nakakapagod kaya ang walang ginagawa. Nakakapagod humiga. Nakakapagod maglipat ng channel, masakit kaya sa daliri. E ako pa naman ang tipo ng taong hindi makuntento sa iisang channel (kaya nga parusa sa mga tao sa bahay nung nagka-cable kami illegal nga lang. Nakakapagod din ang kumain lang... ^^x Tama na nga... sobra nang halata na batugan ako nung mga nakaraang buwan... haha!

Ang hirap ng unemployed. Ayoko na nang ganun. You'll realize a lot of things and end up sad, feeling worthless. Naramdaman ko yan.

I'm wishing my friends and classmates would find a job ASAP. I know how they feel. Sana talaga, magka-work na sila na gusto nila at related sa course na natapos nila.

oOoOoOoOoOo

Komento sa mga nag-comment nung last post ko (eto e magiging "regular" part ng posts ko. Nag-iisip pa ako ng title) :)

yatot: Salamat po! Yehey! Tama ang pinagsasabi ko! hahaha!

ninong: ok lang ako... ikaw? Ano na rin nga ba ang nangyari sa'yo? hahaha! Gawa ka na ng bagong blog. NOW NA! =)

yeye: Salamat! =) Miss na rin kita!

gerome: Halos yun din ang reason kung bakit ako gumawa ako ng bagong blog. Hindi ko na maibalik sa dati yung blog ko. Super natuwa ka naman dahil na-mention ka? hahaha!

6 comments:

Ehjayculate said...

*BANG!* ... sapol ako duon as tagusan talaga! outz hansaket!

but yeah i know the feeling! .. been unemployed for 4 months now ... my choice tho! ... but yeah tama na 4 months ... ubos na saving ko eh! :D

ninong said...

ah... ako di pa ako nagraduate, nagtrabaho na ako agad... haha. ganun katindi ang pressure. haha. pero sabi nga ni bob ong sa alamat ng gubat,

"mahirap gumawa ng wala"

bukod sa trabaho wala pa naman masyado nangyayari... pinapatay ko pa rin lovelife ko. haha.

ninong said...

nakalimutan ko itanong kung ano na pala trabaho mo?

Mary De Leon said...

sherma! hehe... Kaya pala nakarelate ka dun sa post ko. :) Hirap talaga pag nasa bahay lang! Cheers! Dahil may trabaho na tayong dalawa! hehe.. :)

Anonymous said...

hehehehe pala at bato...ahryt...haahaha

san ka nagttrabaho ngayon? buti employed ka na ehehehe


ako rin eh ayaw ko magcall center, parang nakakapanghinayang ung apat na taon na nagaral ka tas sa call center ka din magttrbho..db? hehe apir tau jan sherma!

Virginia said...

lol special mention hehe. naiiyak na ko girl cos i'm still a bum.