Hi everyone!
Bago ang lahat, gusto ko muna kayong i-congratulate dahil narating nyo ang blog ko. Sa dami ng blog na nandito, nagawa nyong pagkaabalahan ang aking simpleng pahina.
Matapos ang mga pagpapanggap na marunong akong mag-edit ng HTML codes, eto at ang blog ko ay nagpalit lang ng pangalan. Ang layout? Pinagtatawanan ko ang sarili ko. Parang nasabi ko mentally na, "Ha! Sa pinakabasic layout din pala ang bagsak mo!" XD
Naisip ko ring lumipat sa wordpress.com pero hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwan ang blogspot.
Gusto ko sana kayong i-update kung ano bang nangyari sa akin pero sa tingin ko, 'wag na lang
Sabi ni Gerome dati, wag daw akong mag-start ng bagong blog. Kasi nga, mahirap mag-start ulit. Pero naramdaman kong wala nang pag-asa 'yung dati kong blog. Tsk. Pero hindi ko pa rin sya inaalis.
~~~~~~~~~~~~~
Blog no Sherma hime-sama (URL: blognohimesama.blogspot.com)
The blog URL and blog title:
Hindi pa ako gaanong marunong mag-Japanese and I'm not even sure kung tama ba sya. Malakas lang talaga ang loob ko... LoL. Ang meaning nyan (if ever na tama ako) e A princess' blog or pwede ring A blog of a princess. (Sa mga marunong mag-Japanese dyan, pakisabihan lang ako kung tama ba sya at pakituruan na rin ako. Thanks!)
So yung blog title ko, ang ibig sabihin ay Princess Sherma's blog. Sorry naman po kung may princess-princess pa akong nalalaman. Ambisyosa lang... hehehe..
Matagal ko nang ginagamit ang pangalang "Sherma-hime". So why not use it too dito sa blog ko though sa ngayon mas ginagamit ko ang "taichou" (captain in Japanese). Inspired sa isa sa mga favorite manga ko, ang BLEACH.
Medyo nahirapan akong mag-isip ng blog title at URL para sa bagong "baby" ko. Nandyan yung umiral ang katamaran ko... ang ipapangalan ko na lang sana e "the door that I opened v. 2" Pinag-isipan, di ba? XD
Kasabay din nito ang pagsilang sa aking LJ account. Pero medyo personal yung account ko dun... =P
Anong meron sa blog na 'to?
Masasabi kong katulad pa rin sya nang dati. I was thinking kung gagawin ko ba 'tong super English at seryosong blog
But then, may mga slightly serious posts, syempre
At kung tulad pa rin sya ng dati... hmmm... e di baklaan lang? hahaha! Hindi naman... Basta!
Ano na nga bang nangyari sa 'kin?
Kulet! Sabing wag na lang! XD
Pero medyo bibigyan ko kayo ng konting update: graduate na po ako at may work na. I'll be starting tomorrow. Wish me luck. Ayee! =)
Yun na yun! :D
I miss blogging...
4 comments:
wow!!! congrats sa bago mong work at sa bago mong blog... sabi ng officemate friend ko na nakakaintindi ng japanese, tama daw ung translation mo... hehhehe good luck in your new career!!!
uy... kamusta. hehehe. naks may bagong blog. mabuhay! musta na? ano na nga ba nangyari sayo? hahaha. gagawa rin siguro ako ng bagong blog. pero wala pa ako sa mood. kulang pa sa pilit. hahaha.
ah basta ang mahalaga...
YER BAK!
aymisyoooo sherma!!
At talaga palang nakalagay pa ang pangalan ko. Sikat. Haha. Joke. LOL. Sarap makita ng name ko. Vain? Haha. LOL.
Anyway, buti naman at may new page ka na uli. Haha. Dapat nag-WP ka na lang. Anyway, okay lang. Ibang story naman pala 'yung nangyari dun sa kauna-unahan kong blog sa Blogspot, pero medyo the same din. I was really trying to change the layout. Kasi dati, medyo uso pa 'yung mga nagkikislapang layout sa blog, at pati ako fascinated sa ganun dati. So what I did was to pretend that I know the codes, but I actually end up in erasing my blog. Haha. 33 posts na 'yun nun! Tapos ngayon ko naisip, hindi masyadong important 'yung layout. Mas okay na ako kapag mukhang formal na ang mga bagay-bagay. Feeling ko, epekto ng pagtanda. LOL.
Anyway, ang haba na nito! Na-miss ko lang kasi mag-comment talaga sa mga blogs. LOL. :))
Post a Comment