Thursday, July 31, 2008

Irasshaimase, minna-san!!


Hi everyone!

Bago ang lahat, gusto ko muna kayong i-congratulate dahil narating nyo ang blog ko. Sa dami ng blog na nandito, nagawa nyong pagkaabalahan ang aking simpleng pahina.

Matapos ang mga pagpapanggap na marunong akong mag-edit ng HTML codes, eto at ang blog ko ay nagpalit lang ng pangalan. Ang layout? Pinagtatawanan ko ang sarili ko. Parang nasabi ko mentally na, "Ha! Sa pinakabasic layout din pala ang bagsak mo!" XD

Naisip ko ring lumipat sa wordpress.com pero hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwan ang blogspot.

Gusto ko sana kayong i-update kung ano bang nangyari sa akin pero sa tingin ko, 'wag na lang

Sabi ni Gerome dati, wag daw akong mag-start ng bagong blog. Kasi nga, mahirap mag-start ulit. Pero naramdaman kong wala nang pag-asa 'yung dati kong blog. Tsk. Pero hindi ko pa rin sya inaalis.

~~~~~~~~~~~~~

Blog no Sherma hime-sama (URL: blognohimesama.blogspot.com)

The blog URL and blog title:

Hindi pa ako gaanong marunong mag-Japanese and I'm not even sure kung tama ba sya. Malakas lang talaga ang loob ko... LoL. Ang meaning nyan (if ever na tama ako) e A princess' blog or pwede ring A blog of a princess. (Sa mga marunong mag-Japanese dyan, pakisabihan lang ako kung tama ba sya at pakituruan na rin ako. Thanks!)

So yung blog title ko, ang ibig sabihin ay Princess Sherma's blog. Sorry naman po kung may princess-princess pa akong nalalaman. Ambisyosa lang... hehehe..

Matagal ko nang ginagamit ang pangalang "Sherma-hime". So why not use it too dito sa blog ko though sa ngayon mas ginagamit ko ang "taichou" (captain in Japanese). Inspired sa isa sa mga favorite manga ko, ang BLEACH.

Medyo nahirapan akong mag-isip ng blog title at URL para sa bagong "baby" ko. Nandyan yung umiral ang katamaran ko... ang ipapangalan ko na lang sana e "the door that I opened v. 2" Pinag-isipan, di ba? XD

Kasabay din nito ang pagsilang sa aking LJ account. Pero medyo personal yung account ko dun... =P

Anong meron sa blog na 'to?

Masasabi kong katulad pa rin sya nang dati. I was thinking kung gagawin ko ba 'tong super English at seryosong blog kasi college graduate na ako pero ayoko nang masyadong seryoso kasi hindi ako ganun. Plus marami namang seryosong blog, babasahin ko na lang yung posts nila. :P

But then, may mga slightly serious posts, syempre kasi college graduate na ako lalo na pag-emo mode ako or kung ano man ang mood ko. Pero minsan lang siguro mangyayari yun.

At kung tulad pa rin sya ng dati... hmmm... e di baklaan lang? hahaha! Hindi naman... Basta!

Ano na nga bang nangyari sa 'kin?

Kulet! Sabing wag na lang! XD

Pero medyo bibigyan ko kayo ng konting update: graduate na po ako at may work na. I'll be starting tomorrow. Wish me luck. Ayee! =)

Yun na yun! :D

I miss blogging...