Friday, September 5, 2008

Kuripot na raw ako?

I'm stingy and I'm proud of the reputation.
- Ingvar Kamprad

Hindi ko kilala si Ingvar Kamprad pero natawa ako sa quote na yan. Marami akong kilalang proud dahil kuripot sila. Yung mga tipong kailangan mo pang holdapin para lang makatikim ka ng libre nila?

Hindi ko ma-consider ang sarili ko na stingy or kuripot. Mahilig lang akong mag-ipon. Nung nag-aaral pa ako (potek.. feeling ko, ang tanda ko na... hehehe...), hindi ako gumagastos na wala lang. Laging may tinatabing pera. Pero kung gagastos, ok lang na maglabas ako ng pera.

Pero nabigla ako sa comment ng nanay ko nung unang sweldo ko. Ang kuripot ko raw! hahaha! E kasi naman, P1K lang yung nasahod ko nun kasi naabutan ako ng cut-off. E syempre, treat ko pa rin sya.

Nagpunta kami sa Jollibee (nagtitipid ako, ok? kasi allowance ko rin yung sweldo ko.. XD). Sabi ko, ang budget ko para sa pagkain naming dalawa-- take note, ah, kaming dalawa na, e P200. hahaha!

Ewan ko ba pero parang na-feel ko rin na naging kuripot na ako. Pero ang point ko, pinaghirapan ko na kasi yung money ko ngayon. Sweldo ko yun, eh... hehehe... basta.

Pero dun naman sa case ni mama, nagkataon lang na ang konti lang ng sahod ko. Pero itri-treat ko naman sila sa next sweldo ko sa Burgoo. ^^x

Basta! Hindi ako kuripot. I know it. Wise spender lang ako! hahaha!

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Komento sa komento

eijikiieru @ wala akong fingerprints - apir tayo! hehehe.. e pano yun? na-access mo pa rin yung files mo?

@ 312...

yeye -
tama yun! pati sa multiply at YM, nandun ka.. hehehe..

virg - hehehe.. sasabihin ko pa naman na move on.. ^^x

Friday, August 22, 2008

312 lang ang friends ko...


These past two weeks, marami akong new friends sa friendster (FS) kasi inadd ko/inadd ako ng aking officemates. *shocks, I'm using the term "officemates". Kinikilabutan ako! hahaha!*

Na-realize ko, ang konti lang pala ng friends ko sa FS. Member na ako ng FS since March 2004. Kasabay nun ang aking YM ID. Naalala ko, yun yung mga panahon na after practice ng graduation (high school), deretso agad kami sa BitWorld computer center. Two weeks yung practice namin kaya two weeks din akong na-adik sa YM. Nakikipag-away sa chatrooms, pinagtatawanan yung mga sinungaling na chatmate (hmmm... makagawa nga ng post about YM). Basta.

Anyways, napaka-simple pa lang ng FS nung panahong yun. Wala pang layout-layout. Tapos hanggang ten photos lang ang pwede mong i-upload! Kaloka! hehehe...

Kaya naman super bura lagi ako ng pictures dati. Pero hindi ko totoong pictures ang nilagay ko dun. Kung friends tayo sa FS, makikita nyo sa "My Public Photo" album ko, yung last photos e ang cast ng Endless Love II: Winter Sonata. Addicted ako sa Winter Sonata nung mga panahong yun kaya ang primary photo ko e si Choi Ji Woo.

Tsaka, adik kaming lahat sa testi. Paramihan ng testi. Laging kasama ng tanong na "May friendster ka ba?" ang "Pengeng testi, ah?" At ang testi nun, define testimonial talaga. You'll describe the owner of the account. Pag hindi ganun ang nakalagay at mga "Hi, hello" lang, hindi ko inaaccept.. hahaha! E kasi naman di ba? Bakit di mo na lang kaya ako i-message? Tapos hindi rin ako nag-aaccept ng graphics na testi. Pero syempre, dati yun... hahaha! Kaya siguro pinalitan na ng FS: from testi to comment.

Pero ngayon, super nag-iimprove na ang FS.

Sa FS ako nag-start mag-blog. Tulad ng dati hitsura ng blog ko, super colorful din ang font nung FS blog ko.. hahaha!

Four years na akong nagfri-friendster pero as of this date, 312 lang ang friends ko. Samantalang yung pinsan ko, kaka-start lang nyang mag-FS last month, potek! 400+ na ang friends. Parang pag may nakikita yata yung tao, hinihingi na ang email add para i-add sa FS. =P

Pero proud ako na yung friends ko sa FS e mga kilala ko personally. Well, yung iba pala e hindi (like yung mga blogmates ko) pero hindi ako nag-a-add nang basta-basta. Swerte nila kasi friend nila ako sa FS! ^^x

Bukod sa FS, marami na ring ibang social network websites tulad ng myspace, facebook, hi-5, etc. Pero ang account lang na meron ako e FS nga at multiply. Ang alam ko, magkakasabay yata ang FS, Hi-5 at myspace, eh..

Ayoko nang gumawa pa ng ibang account kasi hindi ko na yun maaasikaso at mache-check lagi. Ai, nakalimutan ko, may account din ako sa imeem. Tama na ang tatlong account.. ^^x Pero ang daming invitations na dumadating sa email add ko. May Flixter ba yun? Yung Wayn. Basta! Ang dami. E anong gagawin ko sa napakaraming account? Makikilala ko ba si "The Right One" pag nag-sign up ako? XD

Pero I thank FS kasi ito ang nag-uugnay sa amin ng aking mga HS and some elementary friends.

*magkapost lang for this week! hahaha!*

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Komento sa komento

virgie @ bakit may mga taong batugan? - girl, wag kang mawalan ng pag-asa. Hinihintay mo pa rin yata kasi yung sa ABS, eh... move on! ^^x

@ wala akong fingerprint

cath - salamat sa pagbisita sa aking pahina, cath! low-tech ang office mo.. hahaha!

ninong - may feeling ako na "biometrics" nga ang tawag sa kanya at hindi "biomatrix". Nagmali lang ng rinig.. hahaha! Nagtatanong ka pala kung saan ako nananaliksik. Pag naabutan ulit kita sa YM, dun ko na lang sasabihin. Nawa'y malipat ka na sa pwesto na makakapag-open ka na ng porn site makakagalaw ka nang maayos. ^^x

virgie - I'm really hoping you could find a job na ASAP.

yeye - posible yun. hahaha!

Thursday, August 14, 2008

Wala akong fingerprint

First story about my work.

Siguro, low-tech lang talaga ako o taong-bundok pero super humanga ako sa ginagamit na "time keeping" ng company na pinapasukan ko. Magla-login/logout ka using your fingerprint! Ang lufet! *palakpakan, mga kapwa ko taong-bundok!*

Kaya lang, hindi kami bati ng hi-tech na bundle clock (hindi sya bundle clock, for the record pero hindi ko lang kasi maisipan ng tawag! hahaha! Edited: It's a biomatrix. Thanks, Arjay! :D). Kasi naman, lagi na lang, "please press your finger again" ang sinasabi sa akin! huhuhu... Ano ba yun? Wala ba akong fingerprint? Nakakaawa naman ako. ^^x

Nakakahiya tuloy... hehehe...

Kaya kung halimbawa, dumating ako sa office ng 8:29 (8:30 am ang start), dahil sa pagta-time-in ko, hindi na ako umabot sa "deadline"... baka 8:45 am pa ako matapos! hehehe...

Anyways, my first week at work was good. I have a very cool boss and officemates. Medyo hindi pa ako sanay sa mga gawain pero kinakaya ko naman... hehehe... =)

Yun lang muna... ^^x

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Komento sa komento

eijikiieru -
hahaha! tagos to the bones ba? XD may work ka na?

ninong - maraming salamat sa double comment... =) talaga? akala ko, patay ang lablayp mo... hehehe... ^^x Ako e isang manunulat/mananaliksik... XD

marya - yehey! Congrats din po!

yeye - salamat! hehehe.. mabuti na lang talaga nga. korek ka sa sinabi mo! apir!

Thursday, August 7, 2008

Bakit may mga taong batugan?

Almost two months din akong naka-tengga (read: tambay) sa bahay after my graduation. I enjoyed the first month of my "vacation." Actually, plan ko before graduation na magpapahinga muna ako for at least one month. Habang nagpapahinga, magpa-pass ako ng resumé sa companies na gusto kong pasukan.

Tulad nga ng sabi ko, nag-enjoy ako nung unang buwan ko bilang isang pala at bato (palamunin at batugan.. =P). Panood-nood lang ng TV (may Jumong pa sa hapon, super nood ako nun... hehehe...), nagbabasa ng manga (natapos ko ang Naruto in two days mula chapter one hanggang kung ano mang chapter yung last chapter nung panahong yun at binasa ko ulit ang manga ng BLEACH), pa-inter-internet lang, gumigising nang hapon, natutulog nang madaling araw. Basta, super batugan talaga.

Pero nung lumampas na ang one month, na-realize ko na nakakasawa pala yung ganun. Yung walang ginawa at pinagkakaabalahan? Tapos nalaman kong may trabaho na yung iba kong friends and classmates, mapa-high school or college friends pa yan. Na-pressure ako. As in. Then we often visit our school nung time na yun, halatang-halatang unemployed! ^^x

Kaya naman nag-seryoso na akong maghanap ng work. Nagpass kami ng aking friends sa dream companies namin... hehehe.. pero ayun, walang tumawag. Nag-text nga pala ang Vibal for an exam pero sa hindi maipaliwanag ng siyensya na kadahilanan, hindi ako pumunta. May ibang feeling kasi ako nung araw na pinag-eexam nila ako at pag ganun ang nararamdaman ko, I opt not to leave the house... parang bad omen? Ganun...

Call centers are my last and very least option. Like Virgie's post, I have nothing against call centers but I prefer to work using the knowledge I learned during my four years of stay in PUP and three months during my internship. Before call centers, try ko na lang muna yung online English tutorial for Koreans (actually, kung ganun ang naging work ko, try ko munang maghanap ng online English tutorial for Japanese! Adik? hahaha!) Nag-set na ako ng date na pag August, wala pa rin, I'll try the online tutorial.

Pero ayun nga, nag-start na ako sa first job ko last Friday. Thank you, Lord!

But within those days na unemployed ako, ang dami kong na-realize at naitanong.

"Bakit kaya may mga taong batugan?"

I admit na masaya naman ang maging batugan pero sa unang buwan lang yun. Nakakasawa yung hindi ka maagang gumising (though may trabaho/pasok sa school o wala, tanghali na pala talaga akong magising! hehehe...), wala kang ginagawa, wala kang pakinabang. Kahit na ikaw yung naglalaba or naglilinis ng bahay, iba yung may work.

Unti-unti kang mahihiya sa magulang mo na hindi ka nakakatulong financially.

Nakakapagod kaya ang walang ginagawa. Nakakapagod humiga. Nakakapagod maglipat ng channel, masakit kaya sa daliri. E ako pa naman ang tipo ng taong hindi makuntento sa iisang channel (kaya nga parusa sa mga tao sa bahay nung nagka-cable kami illegal nga lang. Nakakapagod din ang kumain lang... ^^x Tama na nga... sobra nang halata na batugan ako nung mga nakaraang buwan... haha!

Ang hirap ng unemployed. Ayoko na nang ganun. You'll realize a lot of things and end up sad, feeling worthless. Naramdaman ko yan.

I'm wishing my friends and classmates would find a job ASAP. I know how they feel. Sana talaga, magka-work na sila na gusto nila at related sa course na natapos nila.

oOoOoOoOoOo

Komento sa mga nag-comment nung last post ko (eto e magiging "regular" part ng posts ko. Nag-iisip pa ako ng title) :)

yatot: Salamat po! Yehey! Tama ang pinagsasabi ko! hahaha!

ninong: ok lang ako... ikaw? Ano na rin nga ba ang nangyari sa'yo? hahaha! Gawa ka na ng bagong blog. NOW NA! =)

yeye: Salamat! =) Miss na rin kita!

gerome: Halos yun din ang reason kung bakit ako gumawa ako ng bagong blog. Hindi ko na maibalik sa dati yung blog ko. Super natuwa ka naman dahil na-mention ka? hahaha!

Thursday, July 31, 2008

Irasshaimase, minna-san!!


Hi everyone!

Bago ang lahat, gusto ko muna kayong i-congratulate dahil narating nyo ang blog ko. Sa dami ng blog na nandito, nagawa nyong pagkaabalahan ang aking simpleng pahina.

Matapos ang mga pagpapanggap na marunong akong mag-edit ng HTML codes, eto at ang blog ko ay nagpalit lang ng pangalan. Ang layout? Pinagtatawanan ko ang sarili ko. Parang nasabi ko mentally na, "Ha! Sa pinakabasic layout din pala ang bagsak mo!" XD

Naisip ko ring lumipat sa wordpress.com pero hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwan ang blogspot.

Gusto ko sana kayong i-update kung ano bang nangyari sa akin pero sa tingin ko, 'wag na lang

Sabi ni Gerome dati, wag daw akong mag-start ng bagong blog. Kasi nga, mahirap mag-start ulit. Pero naramdaman kong wala nang pag-asa 'yung dati kong blog. Tsk. Pero hindi ko pa rin sya inaalis.

~~~~~~~~~~~~~

Blog no Sherma hime-sama (URL: blognohimesama.blogspot.com)

The blog URL and blog title:

Hindi pa ako gaanong marunong mag-Japanese and I'm not even sure kung tama ba sya. Malakas lang talaga ang loob ko... LoL. Ang meaning nyan (if ever na tama ako) e A princess' blog or pwede ring A blog of a princess. (Sa mga marunong mag-Japanese dyan, pakisabihan lang ako kung tama ba sya at pakituruan na rin ako. Thanks!)

So yung blog title ko, ang ibig sabihin ay Princess Sherma's blog. Sorry naman po kung may princess-princess pa akong nalalaman. Ambisyosa lang... hehehe..

Matagal ko nang ginagamit ang pangalang "Sherma-hime". So why not use it too dito sa blog ko though sa ngayon mas ginagamit ko ang "taichou" (captain in Japanese). Inspired sa isa sa mga favorite manga ko, ang BLEACH.

Medyo nahirapan akong mag-isip ng blog title at URL para sa bagong "baby" ko. Nandyan yung umiral ang katamaran ko... ang ipapangalan ko na lang sana e "the door that I opened v. 2" Pinag-isipan, di ba? XD

Kasabay din nito ang pagsilang sa aking LJ account. Pero medyo personal yung account ko dun... =P

Anong meron sa blog na 'to?

Masasabi kong katulad pa rin sya nang dati. I was thinking kung gagawin ko ba 'tong super English at seryosong blog kasi college graduate na ako pero ayoko nang masyadong seryoso kasi hindi ako ganun. Plus marami namang seryosong blog, babasahin ko na lang yung posts nila. :P

But then, may mga slightly serious posts, syempre kasi college graduate na ako lalo na pag-emo mode ako or kung ano man ang mood ko. Pero minsan lang siguro mangyayari yun.

At kung tulad pa rin sya ng dati... hmmm... e di baklaan lang? hahaha! Hindi naman... Basta!

Ano na nga bang nangyari sa 'kin?

Kulet! Sabing wag na lang! XD

Pero medyo bibigyan ko kayo ng konting update: graduate na po ako at may work na. I'll be starting tomorrow. Wish me luck. Ayee! =)

Yun na yun! :D

I miss blogging...